10 August 2009

Tama Ba Naman Yun?

Matapos masabon dahil sa 5K phone bill...

Mama: Anak, alam mo ba yung anak ng isa nating mistah na-ospital? Nabugbog din daw sa frat, sa La Salle naman. St. Benilde daw.

Me: Ah, aray.

Papa: Paano nga ginawa dun sa inyo?

Me: Po? Di ba nag-resign ako sa ROTC?

Papa: Hindi, yung sorority mo.

Me: Ha? Yung sorority sa CBA? Di naman ako kasali dun?

Papa: Hindi, yung soro na kasali ka. Paano kayo dun?

Mama: *laughs* Ah, hindi yata nila pinalo yan, takot kasi sila sa sakit nya.

Me: HA?!?!?! Wala naman talaga pumalo sa'kin.

Papa: Eh ano ginawang initiation nyo?

Me: EH WALA NAMAN AKONG SORO. 0_o

What a family. All this time akala pala ng dad ko may sorority ako, and wala man lang onting takot?! Tapos yung mom ko na andito naman the whole time akala din may palo sa JPIA, cinonfuse pa nya sa usapan namin ni papa. Anubeeeeh. Hay. Weird world.

No comments: