15 August 2008

Mga aral na natutunan sa pagiging isang UP JPIA APP[S] 50.

Mga aral na natutunan sa pagiging isang UP JPIA APP[S] 50.

(AS OF 15 August 2008, 11:55 PM)

1. Mahalaga pala ang letter “G”. [kasi pag hindi ako nagpapakilalang Precious G., ako ay nagiging si Precious P.] NAPAKA-significant kasi ng initials sa buhay natin. Biruin mo yun, with just one letter, one will not just assume another person’s identity, tatangkad pa siya!

2. Huwag kang mangangako na magpprint ng pictures sa mga bata, lalo na pag wala kang pera. Huhuntingin ka nun sa panaginip mo. Yung tipong paggising mo maghahanap ka ng pera tapos beinte lang pala laman ng wallet mo.

3. As much as possible, huwag ka nang magclass ng lunch time! Gutom ka na, OP ka pa sa lahat ng lunch time activities.

4. Hindi lahat ng pagtambay counter-productive. Biruin mo, dahil sa tambay week makakabawi ka sa lahat ng GMs at CMs na kahit kelan hindi mo mapupuntahan sa first sem, maliban nalang kung magccut ka kasi parang cyborg ung prof mo ng TTh 11:30 am – 1:00 pm at hindi siya nag-aabsent.

5. Bumili ng camerang shock-proof, water-proof, at hindi nauubusan ng batteries, para marerecord ang bawat memorable moment ng memorable app process.

6. Picture-an ang bawat co-app [close-up at full-body] at lagyan ng pangalan para di puro ngiti ang ginagawa pag kausap mo sila at di mo maalala ang name o kung kelan kayo nagbonding.

7. Ang Tambay Week ay equivalent sa Linggo ng Ukay-ukay. Huhukayin mo kasi sa dresser mo ang lahat ng mga dati mong damit para lang makasabay sa color and theme of the day.

8. Masayang magbihis, lalo na kapag hindi mo laging ayos yun. Tuwing may magtataka sa itsura mo, may palusot ka. At sobrang masayang magnakaw ng medyas ng kapatid mong laging ninanakaw ang sapatos mo. Pero wag kang magpapaka-classy kung di mo mapanindigan kasi pagtatawanan ka ng classmates mo.

9. Makikuntsyaba bago mag-bid, para di ka biglang mapapa-@*!&^@$)@ pag na-realize mong ang taas pala ng na-bid mo at tatlong araw lang ang hellweek.

10. Enjoy-in ang bawat moment [minuto ba to sa Filipino?] pero wag bungisngis ng bungisngis kasi nakakangalay talaga. I-reserve ang bungisngis para sa photo-ops na hindi para sa camera mong laging mong nakakalimutang i-charge.

No comments: