ALIPIN NG PAG-IBIG
mahirap magmahal ng taong hindi mo pinangarap
sa oras at panahon, palagi nalang salat
kahit na madalas alam niya ang linalaman ng isip
sa panahon na pinapangarap di mabatid ang damdamin
kay sakit magtiis ng paulit-ulit
tila kwerdas sa leeg na unti-unting humihigpit
ipit na tinig sa naninikip na lalamunan
marinig pa kaya ang sigaw ng nagdaramdam?
tila dugo na pumapatak unti-unti mula sa pulso,
at mga nag-iinit na sugat na pinakatatago
at ang luhang pumapatak ng paisa-isa
parang kandila ng pag-asang makasama siya...
unti-unting nauupos.
kailangan pa bang magpakasakit at malagutan ng hininga,
maging anghel o espiritu o multong di niya makikita
kung ito'y masakatuparan, hiling kaya'y mapagbigyan
na kahit anu pa mangyari, sa piling mo'y di mawawalan?
kay hirap gawing manhid ang pusong dumaraing
di lang sakit ang nawawala kundi pati paglambing
ang sitwasyon na lalo lamang lumalala
makatatakas pa ba at makakalaya?
ngunit ang bihag na umiibig buong lugod magpapapiit
hangga't naisin pa ng bantay na siya'y makapiling
tuloy ang pagnanasang balang araw masuklian,
sakit at dusa dala ng pag-aasam...
...sa pag-ibig ng panginoong habambuhay pagsisilbihan
at tanging pag-ibig niya ang nais ng lingkod makamtan
sana nga'y ang mapaglarong oras ay bumilis at manatili
sa panahong kahit sa anino man lamang niya ako'y mananatili.
No comments:
Post a Comment